Malas ba talaga ang Times?


SABI NGA ng mga taong hanggang sa ngayon ay naniniwala pa sa mga sari-saring pamahiin, malas talaga ang isang tao o bagay kung ito ay nasusulat sa bituin.

Sa madaling salita, swerte ka kung likas kang swerte at malas ka naman kung sa buong buhay mo ay malas ka.

Kung titingnan natin ang kaso ng pahayagang The Manila Times, lumalabas ngang aplikable ang pamahiing ito, kahit ba sa taong 1999 lamang. Bakit?

Bilang isang ordinaryong tagamasid sa mga pangyayari ngayon, talagang hindi naging maganda sa pahayagang yaon ang mga kaganapan sa taong 1999. Sa halip na mapag-ibayo nito ang laban sa makatotohananag paglalahad ng mga pangyayari sa bansa, ito pa ngayon ang naging kasangkapan ng rehimeng estrada sa kanilang pagmamaniobra sa paghahayag ng mga magaganda kunong kaganapan sa ating bansa (syempre pa, sa pamamagitan nila!). Pero kung tutuusin, hindi naman nila iyon nagawa ng madalian, sa isang tulugan lamang. Mapapansin natin na napakalaki na ang ipinagbago ng The Manila Times ngayon kumpara noong isang taon.

Siguro naman, hindi na kaila sa mamamayan na ang anumang o sinumang magpahayag ng pagtutol sa mga patakaran ng pamahalaan ay masasabing MALAS. Dito, hindi lamang ang The Times ang kategorisado niyan, kundi rin ang Philippine Daily Inquirer, na kung saan nagdanas rin ito ng matinding pag-resbak at kritisismo mula sa mga bataan ni Asiong Salonga dahil lamang sa paninindigan nito sa mga pagkakamali ng pamahalaan (at iyan nga ang nakikita natin sa mgayon, dahil mas talamak ang kapalpakan kesa sa kabutihan diyan). Ngunit kung makikita natin sa kronolohiya ng mga pangyayari (That page is still under construction -- Webmaster) ay hindi nga pinaburan ni Lady Luck (para sa mga fatalistic na tao) ang The Times mula pa sa pagpapatakbo ni John Gokongwei, kaya ito nabili ni Reghis Romero II hanggang sa tuluyang pagmamay-ari ni Mark Jimenez sa pamamagitan ng anak nito, si Marcel Crespo. Dito kaya ay suswertihin na ito? Sa tingin ko, hindi na siguro, dahil mulat na ang mga mamamayan na hindi nila babasahin ang anumang pahayagan o mga kahalintulad nitong midya na ari-arian ng mga kroni ni Asiong Estrada.

Ang malas nga naman talaga, oo!!! Pero kayo na ang bahalang gumawa ng pananaw kung malas ba talaga ang The Times o hindi. Kasi ako, hindi naniniwala sa mga pamahiin o sa kung anu-anong superstisyon...




Back to Main Page